Bakit ba ako nagkakaganito?
Napakadamot ko pagdating sayo
Gusto ko nasa akin lang atensyon mo
Tinamaan nga talaga puso ko.
Hindi ako masaya kapag wala ka
Lalo na kapag sa iba ka masaya
Nakikipaglaro pa sa iyong kasama
Hindi na yata ito makakaya.
Napakababaw ko nga naman
Pati pagselos aking pinatulan
Natatakot lang na maiwanan
Dahil mahalaga sakin ating pagmamahalan.
Intindihin mo na lang ito sana
Ganitong ugali'y aalisin na
Dahil baka ika'y mawala na ng gana
Magalit pa saki'y wag naman sana
Ngunit ika'y mangako din sakin
Nararamdaman nati'y di aalisin
Tayo'y maguunawaan pa rin
Dahil ikaw lang talaga ang iibigin.
No comments:
Post a Comment