Susundan ko ba ang agos ng batis
O hindi kaya'y lulusungin ang dagat?
Pagsisikapan ang aking nais
O hahayaang mabuhay na lang ng sapat?
Makakamit ba ang buong kasikatan
Na magsisilbi ng aking tagumpay
O kaya'y sapat lang na kasinagan
Para sa masayang pamumuhay?
Susundan ba ang lakas ng kulog?
Susundan ba ang pagaspas ng bagyo?
Susundan ba ang bulong na nanaog?
Na hatid ay simoy at daho'y nabubuo?
Susundin ba ang pintig ng puso?
Susundin ba ang takbo ng isipan?
Ngunit matatanggap ko nga ba'y ano?
Saang lugar ang aking patutunguhan?
No comments:
Post a Comment