Masaya nating nabuo ang ating samahan
At doon natin nalaman ang tunay na barkadahan
Kahit na magkaroon ng mabibigat na alitan
Inaayos pa din dahil sa pangakong walang iwanan.
Napakadami nanating nagawang kalokohan
Kasama na diyan ang walang humpay na kwentuhan
Eh ano pa ba ang di mawawala, eh di galaan
Gagawin ang lahat magkasama lang sa pupuntahan.
Ngunit nagkaroon tayo bigla ng problema
Na nagpabigat sa aking puso at diwa
Inamin ko namang mali ang aking ginawa
Di ko kasalanang maging ganto, di ko ito sinasadya.
Kala ko ba'y lahat ay magiintindihan?
Kahit anong mangyari'y maguunawaan
Naayos nga ang problema sa mabuting usapan
Ngunit nagiba ata ang ating samahan
Doon ko napuna ang inyong pagbabago
Mali ako at inaming nakasakit ako
Ngunit ano ba ang magagawa kapag tumibok ang puso?
Lahat gagawin, ngunit handa ako manuyo.
Wala na atang pagasang mabalik ang dati
Ngunit andito lang ako laging umaalala sa inyo parati
Naghihintay na makasama kayo muli
At madagdagan ang rason ng ating mga ngiti.
No comments:
Post a Comment