Dear ?,
Hi!Musta ka na?Tagal nating hindi nagkausap,buti nabigyan ako ng pagkakataon na sumulat sayo.Siguro alam mo naman na crush pa din kita,hindi mo man nararamdaman,magtanong ka lang sa ating mga kaklase kung sino ang mahal ko,iisa lang ang sagot nila,ikaw lang ang mahal ko.Kaya sana,pag kinausap na kita sana kausapin mo din ako,dahil sa pagkakataon na yon ay mapapatunayan ko sayo ng personal kung gaano kita lubusang minamahal.Kahit na alam ko na bawal ka pa na mag-boyfriend ngayon,kaya ko naman maghintay ng kahit ilang taon basta't alam ko na balang araw ay makakasama rin kita.Kaya kahit ilang beses mo pa sabihin sa akin na huwag na akong umasa sayo,ikaw parin ang mamahalin ko,dahil matagal na akong umaasa sayo,kaya itutuloy ko na ito.Ano pa bang silbi ng buhay ko,kung ang babaeng kung saan ay patay na patay ako,ay hindi ko din pala makakapiling.Mamahalin pa din kita ng lubos at totoo,yan ang aking pangako.
Anonymous,
No comments:
Post a Comment