Sa gitna ng kawalan,
ikaw ang nagbigay dahilan.
Sa puso kong ito,
ikaw din pala ang magpapahinto.
Binigyan mo ako ng daan,
ngunit hindi ko na ito lalakaran.
Kahit ang landas sa iyo,
ako nalang ang lalayo.
At ngayon ako ay nasa gitna ng kaudlutan,
nawasak na din ang aking kapalaran,
ano pa ba ang dahilan para maghintay,
kung sa huli wala din palang saysay.
Sa harap nila,ako'y naging isang hangal,
naging tanga kung bakit pa kita minahal,
sa tingin ko hindi mo naman ako kailangan,
wala akong karapatan sayo,kaya paalam aking kaibigan.
..ezy
No comments:
Post a Comment