Lahat ng balakid
aking haharapin
Lahat ng pagsubok
aking kakalabanin
Ano mang bagyo
aking susuungin
Ano mang-init
aking titiisin
Ano mang-hirap
aking sasagupain
Para lang sayo
lahat kaya kong gawin
Pinapangako ko
Ika'y aking papasayahin
kahit buhay ko pa ang kapalit
magawa lang kitang paligayahin
alay ko sayo ang lahat
ano pa man ang iyong hilingin
kahit ano pa ang iyong iutos
aking susundin
Walang makakahadlang
ika'y aking iibigin
Kahit hanggang langit
ika'y aking mamahalin. <3
No comments:
Post a Comment