Ang swerte ko nga naman!
Naging kaibigan kitang tunay
Lagi kitang kasama saan man
Samahan nati'y wala talagang papantay.
Ang sarap mong kasama
Kaya nama'y lagi kitang hinahanap
Para sa banat na panama
Talagang ika'y hinahagilap
Di maubusan ng kaalaman
Kahit anumang bagay
Wala ding awat pati ang kwentuhan
Kahit na sa pahamak tayo'y nalagay
Marami naman dyang paraan
Kapalan lang ang mukha'y ibigay
Kaya naman tayo'y patuloy lang
Para dumami pa ating tawanan
At hindi tayo maiilang
Dahil hindi tayo magiiwanan. :)
No comments:
Post a Comment