Saturday, September 25, 2010

Aasa na lang ba ako? by:Kier

Isang lingong, walang tugon
Pag-ibig na pilit ibinabaon
Sa bawat tibok ng puso
Luha'y sumasabay sa pag-ambon.
Nais kong mahagkan ka
Ngunit tadhana'y mapangbalewala
Ang lapit-lapit mo na
Di ko pa rin maipadama.
Sabog na ang utak sa kakaisip sa'yo
Walang lunas ang isang baso
Tuluy-tuloy lang sa paninimdim
Kailan mo ako lilingunin?
Nababato na sa takbo ng buhay
Mahirap pa rin ang sumabay
Kumakatok sa mundo mo
Aasa na lang ba ako?
Salamin sa harapan
Pait ang siyang inilalarawan

No comments:

Post a Comment